Search for Stories

Friday, July 21, 2023

"ANG BAKLA KONG KAIBIGAN NOON, BOYFRIEND KO NA NGAYON!"


"ANG BAKLA KONG KAIBIGAN NOON, BOYFRIEND KO NA NGAYON!"

Hi sana ma-post po ito. Mejo mahaba ang story namin. Sana basahin niyo.
Ako nga pala si Sunshine (not my real name) 21 years old. At ang bf kong si Joshua (not his real name, Joshua kasi he's my Joshua Garcia) Me and my bf is from Mindanao. 

Nagkakilala kami kasi iisa kaming church. at that time, we are both active in church. Pero magkaibigan palang kami non. Sa sobra naming active at palaging present sa mga Youth activities. Naging Youth officers kami pareho, siya yung President at ako yung Vice-president niya. So palagi kaming nagkakasama sa mga meetings and plannings for our activities. At may mga times na mag oovernight kami sa church lahat ng young peoples. So kwentuhan, chikahan, sharing sharing. At kaya halos lahat ng experiences niya alam ko na. May sinalihan pa siyang Gay pageant at siya ang nakakuha ng korona. Tuwang tuwa sya habang kinukwento yun sa amin mga officers. Wala naman sa amin yun, kasi kaibigan namin siya tanggap namin kung ano siya.

Year 2014, summer at that time. Umalis ako sa lugar namin going to cagayan to enroll and to pursue my college studies. First time ko, malayo sa family ko. I decided to study in cagayan to help my family. Bawas gastos sa kanilang part, kasi nag working ako sa bahay ng cousin ko habang nag aaral sa cagayan. Sa kanila ako nakatira at that time, at sila ng wife niya ang nagsupport sa pag-aaral ko. At dumating yung araw ng pag-alis ko, madaling araw non nagtataka ako bakit tumatawag si Joshua sa akin. Hindi ko sinasagot kasi nagulat at nagtataka ako. Tawag siya ng tawag. Naalala ko non, nasa bus na ako at that time tsaka ko sinagot ang tawag niya. Hindi ko na masyado maalala mga sinabi nya, "Ingat Vice sa byahe, ingat ka palagi doon. Mamimiss ka namin." Yun lang ang naalala ko. Mejo weird sa part ko, kaya mejo nagdududa na ako at that time. Pero binalewala ko rin after, ayoko rin mag assume kasi kilalang kilala ko siya, di kami talo. Hahaha.

April 2015, tuloy ang communication namin. Always niya akong kinakamusta. Nandon parin yung pagdududa na parang may gusto ito sa akin? Pero hindi ko sineseryoso kasi nga kilala ko siya, kaibigan ko lang siya. Then one night, nagtext siya ng "Good night Sunshine. God Bless you always. Nga pala may sasabihin ako, pero hindi ngayon. Kasi on the process pa." Hindi sa assuming ako, pero we girls have instinct. Parang alam ko na to, sabi ko sa sarili ko.

May 17 2015, magkatext kami that time. At yan yung araw na nagconfess siya sa akin ng feelings niya. Pasensya guys, di ko na maalala mga sinabi nya at that time. Eto lang, "kaya sabi ko dati sayo na on the process pa kasi kahit ako hindi sigurado. Atsaka ayoko na laro laro lang. Seryoso ako. Gusto kita Sunshine. Kung ano man maging desisyon mo, okay lang. Ang importante nasabi ko sayo." Syempre mejo naspeechless ang lola niyo guys, ang maalala ko na sinabi ko sa kanya, "Baka lasing ka lang Pres? Hindi tayo talo. Mas babae ka pa sa akin." Pero at that time kasi, kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya guys. Mejo nandiri ako nung nagconfess siya na may gusto siya sa'kin. Kasi nga parehas kaming babae, di po kami talo. Kaya ang sinabi ko sa kanya, "Sorry pero ayoko muna mag boyfriend, gusto ko muna mag focus sa pag aaral ko." At nirespeto niya naman yung desisyon ko. Willing daw siya maghintay. Pero para sa akin nung araw na yun, wala eh. Kaibigan lang talaga. After ng pag confess, umiwas na muna ako sa kanya.

Year 2016. May nakilala ako sa school namin, tawagin natin siya sa pangalang CD. Nagkakilala kami sa fb, biglang nag chat sa akin. At we found out na iisang school lang kami. Niligawan niya ako. After a month, sinagot ko siya. First bf ko sya. 2nd year college ako that time. Sinuway ko parents ko. Sikreto yung relasyon namin kasi bawal pa ako that time mag-uyab uyab. After na daw ng college. Mejo nahirapan kami magkita, mag date kasi mahigpit din sila kuya yung cousin ko. Kasi nga nasa poder nila ako. At si Joshua nabalitaan niya na may bf ako. Syempre nagulat siya, mejo nadisappoint sa'kin. Kasi ang sinabi ko sa kanya ayaw ko muna magboyfriend gusto ko muna magfocus sa studies. Tapos mabalitaan niya daw na may bf na ako. Naghintay kasi siya sa akin. Pero grabe, kahit sobra ko siyang nasaktan. Mahal niya parin ako. At naghihintay pa rin siya sa akin.

Ang relasyon namin ni CD, on and off. At sa tuwing nasasaktan ako, umiiyak dahil hindi kami nagkakaintindihan. Si Joshua yung palaging nanjan para makinig at payuhan ako. At always akong tinutulungan sa studies ko. Pero wala pa rin, nagpapasalamat lang ako sa kanya kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya. Si CD parin yung mahal ko.

Feb 2017. Wala na klaro yung relasyon namin ng bf ko. Wala na siyang oras sa akin. Tapos mejo malayo na siya, nagtatrabaho na kasi siya that time. I tried opening his fb, pero nag iba na pala ng password. So sinubukan ko, yung mga dati niyang pw. At naopen ko, at doon ko nakita marami siyang babaeng ka chat, di lang basta chat. Kalandian! Yung isa babe, then honey, then baby. At mas nagulat ako sa isa, niyaya niyang mag check in daw sila. Si girl angbpinapahanap niya ng hotel at siya na man daw bahala sa bayad. I don't know guys, pero ni isang luha walang lumabas sa akin. Nagpasalamat pa ako sa Diyos at nakita ko lahat ng yun. That moment tuluyan ko siyang ni-Let Go. Though I loved him so much. But I also know my worth!

Lahat ng pinagdaanan ko sa ex bf ko, alam ni Joshua. Palagi siyang nanjan sa akin. Nakikinig sa mga kadramahan ko. Still we're friends. March 2017, super saya ko guys. Kasi magraduate na ako. At pati si Joshua. Yun nga lang, magkasunod na araw ang graduation namin. March 22 sa akin, siya 23. So hindi sya makaka-attend. But after ng graduation ko, nagprepare kami ni mama kasi plano namin mag uwi sa lugar namin. Byahe kami ng gabi that day March 22. Morning kami ng 23 makakarating. I'm planning kasi to attend Joshua's graduation. Pero hindi niya alam. I want to surprise him.

March 23 2017, nasa likod ako nakatayo malapit sa entrance. Mejo late na ako nakarating. Tinatawag na sila for receiving of Awards. Naabutan ko pa na tinawag siya, Cum Laude si Joshua. Maka-proud masyado guys. Masaya ako para sa kanya. Yung mama niya ang umakyat para sabitan siya ng medals. Then after, may nakita akong dumating na friend din namin. Bakla din siya guys. Nakita niya rin ako, so nagpansinan kami. Tapos sinama niya ako para magpunta kung saan banda nakaupo si Joshua. At yun na nga, mejo nagulat si Joshua pagkakita niya sa akin. Kasi alam niyang nasa cagayan ako kakagraduate lang tapos nakauwi agad agad. hahahaha. Pero nakita ko guys na masaya siyang nakita niya ako. Halatang halata, kasi tinawag na siya ulit para sa speech niya as Cum Laude. Am included in his speech, special mention ang lola niyo guys! Masaya ako masyado that time kasi successful yung plano ko na i-surprise siya. At least man lang napasaya ko rin siya.

Pero hindi agad naging kami guys. Ayaw ko rin isipin niya o nang ibang tao na ginagawa ko siyang panakip butas. Hindi yun ang deserved niya. So yun, nagstay na ako don sa lugar namin, para maghanap ng work. Palagi na ulit kami nagkakasama ni Joshua kasi iisang church kami. Pagkatapos hinahatid niya ako pauwi. Hindi lang ako yung niligawan niya guys. Am so thankful and blessed kasi una niyang niligawan ang parents ko bago ako. Na hindi ko naranasan sa ex bf ko. At dinala na rin niya ako sa bahay nila para ipakilala sa family niya.

July 2017, after 5 months simula nag break kami ng ex bf kong si CD. I said YES to Joshua. Wala namang problema sa parents ko kasi may Diploma na ako. At tanggap siya ng buong family ko. And thank God, tanggap din ako ng buong family niya. Hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Joshua. Isang malaking blessing sa buhay ko. Napaka mapagmahal, marespeto, and very supportive!

At nga pala guys, he changed. Not because of me. But because of GOD's power. Am only God's instrument to change Joshua. Our relationship is not perfect, may mga hindi rin pagkakaintindihan minsan, nag-aaway, nagkakatampuhan, naghihiwalay pero hindi rin kaya, hindi matiis, nagbabalik pa rin sa isa't isa.

Guys, learn to LET GO and Let God. His plans are better than ours.

To my Joshua Garcia, Honey thank you so much for your life. Thank you so much for praying me to God. Thank you for all your love and unending support! Am forever grateful/blessed for having YOU Hon! Love yoouuu so much Ikaw lang po. Walang iba.

- Sunshine
HMS
Batch 2017

No comments:

Post a Comment

Latest Stories